Tuesday, January 8, 2008

pamamanata sa mahal na poong Jesus Nazareno

Isang imahe ng poong nazareno ang itinaas ng isang deboto para makasiguro na ito ay mabebendisyunan.


patuloy na nagbebenta ang babae ng mga damit na may disenyong tatak ng mahal na poon. Sa kabilang banda ay di naman sya pinansin ng Buntis na deboto.

labas-masok ang mga deboto na gustong makinig ng misa. Di nila alintana ang sikip at init dahil para sa kanila ay ito ang sakripisyo kapalit ng kanilang panalangin.


isang deboto ang nagpasadya pa ng mga stickers na may nakasulat na I Love Jesus Nazarene na pinamimigay nya sa mga deboto



ipinagdarasal ng mama ang batang may kapansanan gamit ang larawan ng Poon Jesus nazareno.




ang streetvendor na hindi napiit sa pagtitinda bagamt magiging sagabal lang ang kanyang kapansanan.


ang simbahan ng Basilica ng Nazareno ay nilagyan ng gayak para sa kapistahan ng mahal napoon.


ang pulis na nakadestino para sa okasyon ay nagpaunlak para sa isang panayam ng media.


ang deboto ay nakasuot ng damit gaya ng sa Poong Nazareno at taimtim na nagdarasal sa isang sulok ng simbahan.

ang karo na gagamitin ng mahal na señor para sa prusisyon ng Nazareno para sa pagdiriwang ng kapistahan nito.


ang batang ito ay hindi makapasok para makalapit sa mahal na poon dahil nilagyan ng barikada ang gitna ng simbahan.













































Taun-taon nagdiriwang ang mahal na poong Nazareno
ng kapistahan nito. At sa bawat taon na pag daraos ng
kapistahan nito. iba't ibang klase ng mukha ang makikita
mo sa mga namamanata, nananampalataya at sa mga
deboto.

Samakatuwid, ang pagdiriwang ng kapistahan ng nasabing
poon ay kakaiba sa pangkaraniwang bilang ng dami ng tao
na dumarayo kumpara kapag hamak na araw at tuwing Biyernes, o ang sinasabing "Quiapo Day."

Sa Araw ng mismong kapistahan nito ay Dagsa ang mga
Deboto-para lamang makahipo o makahawak sa lubid [na
nagsisilbing gabay sa prusisyon at umaakay para umusad ang
karo na pinaglalagyan ng imahe], kung hindi man sa mismong
mahal na poon.

Sa pagbisita namin kahapon sa quiapo, nakita namin ang iba't ibang mukha ng kasalukuyang lipunan ng Pilipinas... tsk.tsk.tsk. Nakakalungkot man isipin na Iba ang mundong ginagalawan ng mga "tao" na nagsisimba sa loob ng basilica ng Nazareno kumpara sa mga "tao" na makikita mo paglabas mo ng simbahan. Oo, ang tinutukoy ko ay ang mga tao sa harap mismo ng simbahan- mga taong nasa plaza Miranda at sumasalamin sa kasalukuyang estado ng ating lugmok na ekonomiya.

Balik ako sa aking kwento, di maikukubli ng mga mata ko na "nag-eexist" sila. Di ko maikakaila ang mga streetvendors na nagtitinda ng mga damit sto niño at ng mga damit na may imprenta ng mukha ng mahal na poon bilang disenyo ng mga damit. ang mga bata na kasa-kasama ng kanilang mga magulang sa pagtitinda gaya halimbawa ng sampaguita, rosaryo at kung anu-ano pa.
Sa bisperas ng kapistahan, maoobserbahan mo rin na handang-handa na ang mga mamamahayag sa kanilang gagawin na paraan par i-kober ang nasabing okasyon. Ang pulisya na may bitbit na mga "k9 units" o yung mga aso na kayang suminghot ng shabu... hehehehe este mga bomba pala.
At di din papahuli sa pagpapakitang gilas ang mga nagboluntaryong myembro ng Phil. Red Cross para sa mga "emergency situations."
Samut- sari rin ang klase ng deboto na naglipana sa loob ng simbahan. Bata, matanda, may ngipin o wala ay makikita mo dito. pero sa mga klase ng deboto na nananampalataya ay di ko makakalimutan ang isang matanda na hinarang dahil tuloy-tuloy pa rin sya sa pagtungo ng paluhod sa "isle" na kinalalagyan ng poon kahit nilagyan na ang parteng yun ng simbahan ng barikada.
At ang isang matanda na animoy sya ang nazareno dahil ginaya nya ang porma nito.andyan din ang mga may hawak ng maliit na imahe ng poon.
Marami raw milagrong nagagawa ang mahal na poong Jesus Nazareno. Marami na raw ang nagpatunay na gumaling sila sa malubha nilang sakit, pumapasa sa mga pagsusulit, biniyayaan ng lubos, at nabigyan ng ganap na indulhensya dahil sa taimtim nilang pananalangin.
Ako, oo... pwede kong patuyanan na nagmimilagro nga ang poon. Dahil di k0 lubos maisip na poong Jesus Nazareno lang ang may tunay na kakayahan para ang mga tao.. bata man o matanda, mayaman man o mahirap, may kapansanan man o wala ay Maging PaNtaY-PanTaY sa nag-iisang pambihirang pagkakataon at okasyon gaya nito para lamang manalangin at manampalataya. : )